Ang dami pang gustong gawin ni Jane Oineza na isa sa mga bida ng Nag-Aapoy na Damdamin.
Kaya naman, wala pa talaga sa mga plano nila ni RK Bagatsing ang kasal.
"Oo naman po. Ang dami pa po. Gusto kong gumawa ng action, gusto kong maging sirena, gusto kong mag-comedy. Kaya nga sabi ko parang we're just starting parang ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang gustong ma-achieve kaya talagang 'yun ang sinasabi namin na maximize talaga, the career that we have right now," umpisa niya sa aming interview.
Sa action sino ang gusto niyang maka-partner if ever na may chance?
"I don't know. Kahit sino. Ako again hindi kasi ako picky eh parang kung ano 'yung kailangan ninyo from me, I will do it. Kung sino ang ipi-pair ninyo sa'kin, I will do it. Ganon lang po," sagot ng actress.
Pagdating sa comedy, kahit matagal na siyang napahinga after Goin' Bulilit, handang-handa siya.
"Kasi may mga nagagawa naman ako na light light pero mas marami kasi tayong heavy drama. So medyo gusto ko rin bumalik sa Goin' Bulilit roots na comedy, something light, something na mas improve, ganon. So mas mag-explore lang ng iba-ibang genre pa kasi gusto ko rin mapakita na we're really versatile kahit saan ninyo ako ilagay I would try, I would do my best."
At kung pangmalakasan kumbaga ang mga eksena niya sa Nag-Aapoy Na Damdamin, gusto muna niyang ipahinga ang ganun sa susunod niyang gagawin.
"Maybe not in that level kasi syempre napakita na natin 'yun. So kaya nga sabi ko, I want to show different side of me. I want to show 'yung hindi ninyo pa nakikita. So kung nakita ninyo na 'yun siguro iba naman ulit kasi gusto ko mapakita lahat."
Hindi pa nila gaanong napag-uusapan ni RK ang marriage dahil dyan.
"Ay wala pa po kasi again, we're really maximizing the career that we have now and we're full support sa isa't isa, on all our projects. There's no rush. There's no pressure. Eventually we'll get there but for now we're just really supporting each other and growing together," pahayag ni Jane.
Ano opinion mo sa live-in?
"Sa live-in, it would work for some people. It might not be for other people pero kanya-kanya naman 'yan sa relationship eh kaya ang importante talaga is communication and setting expectations din on what you want in the relationship," paliwanag niya.
Pero for life na aniya ang kanilang relasyon ng actor.
"Hindi naman po tayo papasok sa relationship kung feeling natin e panandalian lang or what. Parang the goal is to stay together, to love each other, and grow together. So I feel like yes po."
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment