Naghain ng "Urgent Motion for Immediate Disqualification" ang Commission on Elections - PUP Sto. Tomas kaninang umaga ng Oktubre 21 kina Rey Saranate Jr. at Irish Lapid matapos makakuha ng dalawang pinakamataas na boto sa katatapos lamang na Student Council Elections 2023.
[BASAHIN ANG NAUNANG BALITA RITO: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02pgz89Lz7n4G9YTecaUP8vRzueksdMhJkcMVXHuby8NaKEMzP4YTAbcRbygiyyYTpl&id=100063984548028&mibextid=2JQ9oc%5D
Ayon sa liham ng COMELEC, nilalabag umano ni Saranate Jr. ang Article V, Section 1 ng Bylaws ng Komisyon, "The candidates must be a regular student specifically having no failed or back subjects in the previous semester."
Anang SAMASA PUP STB, hindi maaaring maging grounds for disqualification ang subject withdrawal ni Saranate Jr. noong sophomore (2nd year) pa siya dahil 3rd year, 2nd semester grades ang hinihingi sa election requirements kung pagbabatayan din ang kaniyang "regular" status sa SIS Student Portal. Wala ring rekord ng failed at back subjects nitong nakaraang semestre si Saranate Jr.
Samantala, ang isa sa basehan naman ng diskwalipikasyon kay Lapid ay ang pagpapakalat umano election vote status nang walang paalam sa COMELEC Executives. Subalit pahayag din ng SAMASA PUP - STB na "circulated information" na iyon nang makarating sa kaniya.
Sa pulong na ginanap noong Oktubre 16, napatunayan na inosente si Lapid at ang pinagmulan ng kumakalat na election vote count ay kay Councilor Candidate Jade Carpena ng kabilang partido na may personal na relasyon kay COMELEC STB Chairperson Vincent Sayong. Anila, mayroong direct access si Carpena sa google forms ng botohan.
Isa pang kaso ng diskwalipikasyon kay Lapid ay ang kaniyang pagtawag sa VP candidate ng kabilang partido na "Miss Maharlika Funds" sa isang pribadong group chat sa araw ng Election Day dahil sa pahayag nito ng suporta sa Maharlika Investment Funds.
Matatagpuan sa campaigning period provisions ng Article V, Sec 4, p (1) ng COMELEC na, "Foul words against competing candidates are strictly prohibited and subject to investigation in case proven and may lead to dismissal of candidacy or prohibition to run in any academic or non-academic organization upon the decision of the COMELEC,"Pahayag ng SAMASA PUP STB, "
Bagaman kaisa ang SAMASA STB sa mariin na pagtutol sa kahit anong porma ng diskriminasyon, kailangan linawin ng COMELEC ang depinisyon tungkol diskriminasyon, "foul words" na binabanggit sa rules and regulations during campaigning period, at anong ligal na batayan ang ginamit para masabing diskriminasyon ang naturang insidente. Ang ligal na batayan na hinihingi ng mga Tomasinong Iskolar, sa mga panahon na hindi ito nakasaad sa Constitution and By-Laws, ay kung mayroong polisiya, batas at desisyon ng korte ang mailalapag ng PUP COMELEC STB na makakapagpatunay sa mabigat na kaso laban kay Lapid. Ito ay isang paraan para masusi na mabalikan ang "legal precedence" na ginamit ng COMELEC sa agarang diskwalipikasyon laban sa aming kandidato,"
Sa karagdagan, inilahad ng SAMASA PUP STB sa publiko ang naging resulta ng pulong noong Oktubre 16 kasama ang COMELEC STB, Office of Student Affairs and Services (OSAS), at STB Branch Director Armando Torres hinggil sa disqualification cases ng dalawa.
Bagamat kataka-taka na ang "closed door" meeting na ito para pag-usapan ang student matters ay may presensya ng OSAS at Branch Director, hindi pa rin pinayagan na umupo sina Saranate Jr. at Lapid nang may kasama o paralegal.
Sa kabuuan, paglabag sa sariling guidelines at kawalan ng Implementing Rules & Regulations (IRR) para sa electoral protest ang iginigiit na pagpapanagot ng SAMASA PUP STB sa COMELEC hanggang sa desisyon nitong agarang idiskwalipika sina Saranate Jr. at Lapid na karapatan malaman ng mga iskolar ng bayan.
Wala rin sa calendar of activities ng COMELEC ang iskedyul para sa Post-Electoral protest kung kaya't malinaw na hindi maaaring tumanggap ang COMELEC ng electoral protest lalo kung hindi ito inaanunsyo sa publiko. Hindi rin sinasabi ng Komisyon kung kanino nanggaling ang mga complaints. "
"Naninindigan ang SAMASA STB na sumunod ito sa lahat proseso ng COMELEC at walang nilabag na probisyon sa kabuuang panahon ng eleksyon. Malinaw na walang batayan ang naturang diskwalipikasyon laban kina Saranate Jr. at Lapid," giit ng SAMASA PUP STB.
Dagdag pa ng SAMASA STB, "mariing kinukundena ng SAMASA PUP Sto. Tomas ang agarang diskwalipikasyon kina Reynaldo Saranate Jr. at Irish Lapid batay sa electoral protest laban sa kanila. Malinaw na hindi ginagalang ng COMELEC PUP STB ang desisyon ng libong estudyante na naghalal sa mga tunay, palaban at makabayang mga lider-estudyante para sa isang progresibong konseho sa PUP Sto. Tomas."
Sa kasalukuyan, ilang araw na nakabinbin ang proklamasyon ng bagong halal na mga lider-estudyante sa PUP Sto. Tomas branch.
Ulat ni Virg Magtira
No comments:
Post a Comment