| Headlines Ngayon Oct 19 | Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa katimugang bahagi ng Lebanon na lumikas sa mga ligtas na lugar. Ito ay sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Israeli forces at Lebanese militant group na Hezbollah. Hinihikayat din ang mga Pilipino sa Southern Lebanon na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas para malaman ang kanilang sitwasyon at mabigyan ng aksiyon ng pamahalaan. Maaaring tumawag ang mga Pilipino sa Embahada o sa Migrant Workers Office na makikita sa facebook page ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon. Pinayuhan din ang mga Pinoy na huwag ng lumabas ng bahay kung hindi rin lang mahalaga. MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment