Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ngayong araw ng Huwebes na may ikaapat na Filipino na nasawi sa labanang nangyayari sa Israel at Hamas.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, sinabi ni Manalo na pansamantala munang hindi ihahayag ang pangalan ng biktima.
"Out of respect for the wishes of the family, we shall be withholding details on the identity of the victim. But we have assured the family of the Government's full support and assistance," pahayag ni Manalo.
Hindi rin sinabi ng kalihim kung ang nasawi ay kasama na sa tatlong Pinoy na iniulat na nawawala mula pa nang salakayin ng Hamas ang Israel.
Kapon, 16 na Pinoy mula sa Israel ang nakabalik na ng Pilipinas. Marami pa umanong kababayan ang nagpahayag na rin ng intensyong bumalik sa bansa dahil sa patuloy na giyera sa rehiyon.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment