Naglitawan ngayon sa kahabaan ng EDSA ang sangkaterbang billboard na nagsasaad ng pagsuporta sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Ilan sa mga billboard ay may mukha pa ni Senadora Risa Hontiveros, isa mga senador na mariing tumutuligsa sa ginagawang pambu—bully ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy at Philippine Coast Guard (PCG) na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
"Atin ito! Suportahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea", mga nakasaad sa billboard na may litrato ni Hontiveros.
May isa namang billboard nakasaad na "Suportahan ang mga frontliners sa West Philippine Sea!" at "Join the Christmas Convoy to BRP Sierra Madre in Ayungini" na may litrato pa ni dating Senador at boxing champion Manny Pacquiao.
Ayon sa source, nitong nagdaang mga araw lang naikabit ang mga billboard at inaasahang pang madagdagan ito mga susunod pang mga araw.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment