Daily Mail PH

Sunday, October 15, 2023

[New post] NEWS FEATURE | Vox Populi: Edukasyon para sa Lahat!

Site logo image The Catalyst posted: " Kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na taon ng Sintang Paaralan ay ang marubdob na pagtatambol sa matagal nang isyung pang-edukasyong kinakaharap ng mga iskolar ng bayan. Sa ilalim ng inihaing pondo para sa pambansang budget sa taong 2024, ang mga SUCs " The Catalyst

NEWS FEATURE | Vox Populi: Edukasyon para sa Lahat!

The Catalyst

Oct 15

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na taon ng Sintang Paaralan ay ang marubdob na pagtatambol sa matagal nang isyung pang-edukasyong kinakaharap ng mga iskolar ng bayan.

Sa ilalim ng inihaing pondo para sa pambansang budget sa taong 2024, ang mga SUCs o State Universities and Colleges ay may nakalaang sumatutal na P100.8 bilyon pondo para sa susunod na taon, na kung ikukumpara ngayong taon ay mas mababa ng 5.75% porsyento sa halagang P107 bilyon sa taong ito. 

Humigit kumulang na 80,000 na estudyante ang nag-aaral sa iba't ibang branch at campuses ng PUP. Sa kabila ng bilang ng libo-libong mag-aaral na umaasa sa libreng matrikulang pangkolehiyo, kasama ang PUP sa hanay ng mga pamantasang matatapyasan ng tinatawag na budget cuts o pagbabawas ng pondo.

Ang pagbaba ng inihaing pondo ng gobyerno para sa mga pamantasan na siyang tumatanggap ng "free tertiary education" ay maaari lamang magpasidhi ng iba't ibang isyu gaya ng kawalan ng kuryente sa mga silid-aralan, kakulangan sa mga mahahalagang pasilidad, kalidad ng kapaligiran at maraming pang punit sa sistema ng mga institusyon partikular na sa hanay ng mga manggagawa, staffs at admins na nagtatrabaho rito.

Kalakip nito ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga iskolar ng bayan pagdating sa kalidad ng edukasyon pati na rin ang sistemang nakasentro sa komersyalisasyon at iba pang uri ng represibong sistema.

Krisis sa Edukasyon

Nakasaad sa ilalim ng saligang batas na ang estado ay may responsibilidad na itatag, panatilihin, at suportahan ang isang komprehensibong sistema ng edukasyon na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, ng bansa, at ng buong lipunan. Subalit ang pagkakaroon ng krisis dito ay nagbubunga ng malaking epekto sa kalidad ng edukasyon sa mga kabataan, na siyang manipestasyon na hindi naisasakatuparan ang batas.

Ayon sa pahayag ni PUP Co-Convener na si John Darrow Amorosa mula sa PUP-Rise For Education  "Kahit ano pa man ang pinanggalingan ng mga kabataan, Karapatan nating lahat ang Edukasyon! At kung may undeserving man sa public funds, ito ay ang travel funds ni Marcos Jr. at confidential funds ni Sarah Duterte."

"Malinaw na manipestasyon na hindi prayoridad ni Marcos Jr. ang edukasyon sa Php. 500M ang confidential funds ni Sarah Duterte at Php. 6B na kaltas sa pondo ng State Universities and Colleges." Ito ang naging tugon niya sa banta ng pagtatanggal ng libreng tuition sa kolehiyo at ang pagbabawas ng pondo sa sektor ng edukasyon. 

Hindi na bago sa mga iskolar ng bayan ang kakulangan sa mga silid-aralan, upuan, electric fan, teknikal na kagamitan at maraming pang ibang pangunahing pangangailangan, na siyang nagpapakunot sa noo ng mga estudyante rito.

Kaya naman kalakip nito ang marubdob na pagtatambol ng mga iskolar ng bayan na hindi mananatiling sanay sa mas mababa sa inaasahang kalidad ng edukasyon ang dapat tinatamasa ng mga kabataan.

Banta ng Terminasyon sa libreng 'Edukasyon'

Kasabay nito ang kamakailan lang na pagtatampok sa usapin ng "termination of free tertiary education" kung saan ay ninanais ng Department of Finance (DOF) na muling obserbahan ang iba't ibang SUCs sa Pilipinas sa kadahilanang ito raw ay nag-aaksaya at nagsasayang ng pondo.

Kasunod nito ang inihaing proposisyon ng kagawaran na magkaroon ng tinatawag na "National Examination" para lang makamit ang subsidiya na binibigay ng gobyerno sa pag-aaral sa kolehiyo. 

Ani Lorraine Delos Santos ng College of Education "Sa mga students na gusto pong mag-aral nang free, hindi na po nila mararanasan 'yun… lalo na ngayon na nabawasan yung budget marami ring students ang nangangarap na makapasok sa mga free state university pero hindi makapasok dahil nga sa budget cut." 

Bawat estudyanteng iskolar ng bayan ang apektado sa panganib na dulot ng pagbaba ng pondo para sa sektor ng edukasyon na maaring magtungo sa masalimuot na pagtanggal ng libreng tuition sa kolehiyo. Maraming estudyante ang nababahala sa mga banta sa kanilang libreng pag-aaral at matrikula. 

Base sa panayam kay Joshua De Vera, isang broadcasting student. "Actually dito lang din talaga ako umaasa as a working student din pero alam kong ngayong third year ay mabigat na kaya parang matatapos na yung pagiging working student ko, so kinakatakot ko na ako mismo maapektuhan if ever maputol 'yung free tertiary education. Malaking pangamba siya, so sumasama rin ako sa paglaban na hindi siya matigil kasi 'yun lang din yung nagtutuloy ng college education ko."

Mula rito makikita na, nagiging dagdag pasanin ito sa mga estudyante na nagbubunga ng sapilitan at maagang paghahanap ng trabaho na sumasabay sa bigat ng pag-aaral, para lang magkaroon ng pantustos sa mga gastusing eskwela. Kung tutuusin, hindi talaga maitatanggi ang pagsisikap at determinasyon ng mga isko at iska sa kabila ng kakulangan at kapabayaan ng nasa kapangyarihan.

Ang Laban ng Kabataang Estudyante Para sa Kaban

Kasabay ng kampanya para sa libreng edukasyon ng mga estudyante ay laban din nila para sa pagtutol sa mga anumalyang nagaganap lalo na sa usapin ng pag popondo gaya ng sa "confidential" at "intelligence funds" na 'di umano'y hindi nabibigyang linaw at nailalaan ng tama sa mga mahahalagang sektor ng lipunan partikular na sa edukasyon.

Patuloy na itinatampok ang usapin sa pagbabawas ng pondo sa sektor ng edukasyon na siyang nagiging dahilan ng kakulangan sa kalidad nito kagaya ng nararanasan ng mga mag-aaral sa sintang paaralang PUP.  

Mariing muling sinabi ni Joshua De Vera. "Hindi naman kasi sila nakikinig pero wala eh nakakapagod pero 'pag tinigil natin yung boses natin collectively, mas (malaki ang) posibilidad na tanggalin siya. Ayun nga, kaya tuloy-tuloy lang 'yung pagkilos." 

Magpahanggang kailan, kahit libre pa ang matrikula, kung nananatiling komersyalisado ang tipo ng edukasyon sa bansa ay walang saysay ang mga bagay na libre. Ang pagtangan at pagkilos kasama ang bisig ng masa ay kolektibong makatitibag ng represibong sistema. Hindi titigil sa paghanay ang mga kabataan para sa pananagutan at kalinawan, at wala nang mas iinit pa sa isang silid-aralang punong puno ng boses para sa paglaban.

🖋: Jacob Baluyot
📸: Jenevy Napal

Comment
Like
Tip icon image You can also reply to this email to leave a comment.

Unsubscribe to no longer receive posts from The Catalyst.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://pahayagangthecatalyst.wordpress.com/2023/10/15/news-feature-vox-populi-edukasyon-para-sa-lahat/

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at October 15, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026
    CG BOSS Blog Post Updates ...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.