Umaabot na sa mahigit 1,000 ang nadakip habang lagpas na sa 600 ang mga baril na nakumpiska simula nang ipatupad ang election gun ban para sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong buwan.
"As of Sept. 28 ay umabot na sa 1,063 ang mga naaresto nating mga individual na lumabag sa gun ban. Ang mga nakumpiska naman na mga baril ay nasa around 654 at nagtutuloy tuloy yan at hinihintay lang natin yung updated data dahil yung two days ay medyo nag down yung system kaya as of Sept. 28 lang itong hawak ko ," pahayag ni Philippine National Police (PNP) Information chief at spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang panayam sa radyo kahapon.
"Mano-mano lang muna kasi ang ginagawang submission ng mga region. Kagandahan lamang nito ay daily natin ito ina-update pero kaninang umaga as of 6 a.m. ay kinokolekta pa lang ang mga data. Hopefully bago matapos itong araw na ito ay makakakuha tayo ng updated data ," dagdag pa ng opisyal.
Aniya pa, 96% o 1,017 na mga violator ay mga sibilyan habang 22 ang mga security guard at ang natitirang bilang ay mga pulis, sundalo at ilang elected government official.
Patuloy din aniyang minomonitor ng PNP ang 38 potential private armed group (PAG) na posibleng maghasik ng karahasan sa BSKE.
"As of Sept. 29 ay may minomonitor tayo na active na PAGs at 38 potential PAG. Bumaba na itong potential PAG. Dati ay nasa more than 40 yan, ngayon ay 38 na ito dahil based sa assessment ng ating security forces ay nag dormant na yung iba dito, mga hindi namomonitor na gumagalaw dahil karamihan sa kanilang mga leader at miyembro ay nahuli natin ," ani Fajardo.
Dalawa rin aniya sa tatlong aktibong PAGsa Region 3 ay sumuko na kasama ang kanilang mga armas.
Samantala mayroong na-monitor ang PNP na 246 areas of grave concern para sa BSKE at karamihan sa mga ito ay mula sa Bicol, Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment