Inatasan ni Manila Police District Director P/Brig.General Andre Dizon ang lahat ng station commanders na magsagawa ng pinaigting pang operasyon laban sa mga tinaguriang "jumper at wiper boys" kasunod ng pagkaaresto ng siyam na miyembro nito.
Ang mga jumper boys ay karaniwang nambibiktima sa bahagi ng Road 10 sa Tondo, Maynila habang sa Sampaloc, Maynila naman pakalat-kalat ang mga wiper boys.
Sa Tondo, naaresto sina Marvin Mangalindan, 23 taong gulang at Jay-R Sanot, 24; na kapwa mga jumper boys at miyembro ng Sputnik Gang.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155 of RPC (Alarm and Scandal) at R.A 10601 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) na may kaugnayan sa Omnibus Election Code si Mangalindan habang si Sanoy ay kasong paglabag sa Alarm and Scandal at Illegal Possession of Deadly Weapon na may kaugnayan pa rin sa umiiral Omnibus Election Code dahil sa mga nakuhang armas sa kanilang mga pag-iingat.
Naaresto rin ang isa pang menor de edad.
Sa hiwalay na operasyon sa Sampaloc, Maynila, naaresto rin ang anim na target na kabilang sa mga wiper boys kabilang ang apat na kalalakihang menor de edad.
Sila ay kapwa mga taga-Sampaloc, Maynila.
Ayon sa ulat ng MPD, tinurn-over na sa Manila Department of Social Welfare sa Fugoso Sports Complex in Delpan, Tondo, Maynila ang mga menor de edad.
"This would be a stern warning to those who violate the law. Rest assured that we will not stop here, we reaffirm our commitment to maintain peace and order of this City and further step up our campaign against criminality, while rescuing minors from getting involved in illegal activities," sabi ni Dizon.
ATTY. EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment