Dismissed na sa serbisyo ang limang "kotong cops" na pumasok, nagnakaw at nangikil sa may-ari ng isang computer shop sa Sampaloc, Manila noong Hulyo 2023.
"Guilty" sa kasong 'serious irregularities in the performance of duty', 'grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer' sina PSSg. Ryan Tagle Paculan, Pss. Jan Erwin Santiago Isaac, Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol, Pat. Jeremiah Sema Pascual, at Pat. John Lester Reyes Pagar.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service, hindi nila binigyang bigat ang palusot ng lima na lehitimo ang kanilang operasyon dahil nag-o-operate daw ang nasabing computer shop bilang isang online casino.
Nabatid na matapos pagnakawan ng P4,000 at tangayin ang hard drive ng CCTV cameras ay humingi pa ng lingguhang tongpats ang limang pulis sa matandang may-ari ng computer shop na si Herminigildo dela Cruz.
Bukod sa kasong administratibo, kasalukuyan pang dinidinig ang kasong robbery extortion na nakasampa sa isa pang korte sa Maynila.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment