Tuwing sasapit ang panahon ng Undas, ang dagsa ng mga tao patungo sa iba't ibang lugar ay nagdudulot ng suliranin sa trapiko. Kaya naman narito ang ilan sa mga tip na maaari mong sundin upang maging ligtas at handa ka sa iyong paglalakbay.
1. Check your vehicle
Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang inyong sasakyan bago maglakbay. Ito ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng iyong mga pasahero at mga motoristang makakasabay sa daan. Makabubuti ring dalhin agad sa mechanic ang sasakyan bago ang iyong planned trip upang makasigurado na nasa maayos itong kondisyon at walang kailangang i repair.
2. Plan your trip
Bago ang iyong paglalakbay, makabubuting i-check ang weather at road conditions sa araw ng inyong pag-alis. Siguradong marami ang magbibiyahe sa panahong ito kaya mabuting maglaan ng allowance sa oras ng inyong pag-alis. Ang mga navigational app ay makatutulong din upang maging gabay sa iyong biyahe.
3. Save emergency numbers
Ilista ang lahat ng emergency numbers na maaari mong kailanganin sa iyong paglalakbay tulad ng police, fire, o paramedic services. Samantala, kung ikaw naman ay patungong Norte, mahalagang malaman ang hotline number ng NLEX- SCTEX na 1-35000.
4. Prepare for the long drive
Tiyakin na may sapat kang pahinga bago ang araw ng inyong pag-alis. Huwag ding kalimutang dalhin ang emergency kit pati na ang kopya ng iyong car insurance. Habang nasa biyahe naman ay mas makabubuting magkaroon ng frequent stops at regular restroom breaks. Kung naipit sa mabigat na daloy ng trapiko, i-maintain ang pagiging mahinahon at mag-focus na lamang sa daan. Huwag ding kalilimutan ang ibayong pag-iingat at ang pagsunod sa mga batas trapiko.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga maaaring gawin upang maging stress-free ang pagbisita sa inyong mga yumaong mahal sa buhay. Hindi man maiiwasan ang mga suliranin sa daan, tandaan na mas mahalaga na ligtas kang makarating sa inyong pupuntahan.
No comments:
Post a Comment