Naging madamdamin ang tagpo sa katatapos na media conference ng pinag-uusapang drama film ng 7K Production na "In His Mother's Eyes" na kung saan ay halos maiyak ang ilang cast members sa pagbabahagi ng kanilang memorable moments sa kanilang mga ina.
Isa na rito ang bidang si LA Santos na hindi napigilang umiyak dahil sa pagmamahal daw na ipinakita ng kanyang Mommy Flor sa kanya na binigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talento hindi lang sa pagkanta maging sa kanyang acting skills.
Talaga namang trailer palang ng pelikula ay makakaantig na ng damdamin ang mga batuhan ng linya at acting hindi lang ni LA maging ng mga batikang aktor na sina Maricel Soriano at Roderick Paulate.
Medyo nalungkot nga daw si Mommy Flor na hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikula pero alam naman daw niya na may purpose ang Diyos kung bakit nangyari ito. At alam niya na rin tatangkilikin pa rin ito mga manunuod dahil sa ganda ng istorya at galing ng mga kasamang actor sa pelikula
Istorya ito ng isang special child na anak na pagbibidahan ni LA Santos, na pinag-aagawan ng kambal na magkapatid na sina Maricel Soriano at Roderick Paulate bilang mga magulang ni LA. Siguradong makaka relate ang buong pamilya sa ganda ng istorya ng "In His Mother's Eyes." This is directed by FM Reyes na ipapalabas na ngayong November 29, 2023 in cinemas nationwide.
No comments:
Post a Comment