Daily Mail PH

Wednesday, November 1, 2023

[New post] MINUMULTO RAW SI PBBM SA MALACAÑANG?  

Site logo image Headlines Ngayon posted: " Dahil panahon ng Undas, kuwentong multo ang tema ng lingguhang vlog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ikinuwento nito ang mga naging karanasan sa mga multo sa Palasyo noong kanyang kabataan. Ayon sa Pangulo, ang kuwarto niya noong tumira ang" http://headlinesngayonblog.wordpress.com

MINUMULTO RAW SI PBBM SA MALACAÑANG?  

Headlines Ngayon

Nov 2

Dahil panahon ng Undas, kuwentong multo ang tema ng lingguhang vlog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ikinuwento nito ang mga naging karanasan sa mga multo sa Palasyo noong kanyang kabataan.

Ayon sa Pangulo, ang kuwarto niya noong tumira ang kanilang pamilya sa Malacañang ay malapit sa state dining room at minsang pumasok siya sa kanyang kuwarto ay biglang gumalaw ang mga gamit kaya tumakbo ito sa kanyang mga security at nagsisigaw ito na may multo.

Maging ang mga mabibigat at naglalakihang chandelier o kandelabrang nakasabit sa kisame ng Malacañang ay gumagalaw aniya kahit wala namang malakas na hangin.

Sinabi ng Pangulo na maging ang hagdan sa main entrance ng Palasyo ay mayroon din itong kakaibang nararamdaman dahil tila aniya mayroong nakatingin sa kanya sa likuran kaya paatras siyang umaakyat 'pag pumapasok.

"Kung minsan 'pag gabi, lalo na 'pag nag-iisa ka, 'pag paakyat sa front door, 'yung pormal na hagdan papasok sa Palasyo, ilang beses nangyari sa akin ramdam na ramdam ko na may nakatingin sa akin sa likod, kaya paatras tuloy akong paakyat dahil talagang nakakatakot," kuwento ng Pangulo.

Nag-ghost haunting aniya sila ng mga kaibigan niya noong kabataan pa nito sa loob ng Malacañang at isa sa mga kaibigan ang magbubukas sana ng pintuan subalit bago pa man mahawakan ang door knob ay bumukas kusa ang pintuan kaya nagtakbuhan sila.

Mayroon din aniyang nanggigising sa mga miyembro ng Presidential Security Group sa reception hall na tinawag na si 'Father Brown'.

Si Father Brown aniya ay paring Amerikano na nagtrabaho sa Malacañang noong panahon ng mga Amerikano at tila hindi na umalis.

Maroon ding sariling karanasan ang mga matagal ng staff sa Palasyo gaya nina Ruel, Rommy, Chris at Lito na anila kapag nagla¬lakad sila sa loob ng Palasyo ay nararamdaman nilang mayroong sumusunod sa kanila gayong wala namang tao  at ang kasunod anila ay parang nanlalaki ang kanilang mga ulo dahil sa takot.

Iba naman ang naging¬ karanasan ng isa pang Malacañang staff na si Mario dahil nang iniwanan siya ng kasama ay nagulat siya dahil may nakaupong lalaki sa mesa, walang ulo na nakasuot ng barong.

MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER

Comment
Like
Tip icon image You can also reply to this email to leave a comment.

Manage your email settings or unsubscribe.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://headlinesngayonblog.wordpress.com/2023/11/02/minumulto-raw-si-pbbm-sa-malacanang/

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at November 01, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...
  • CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026
    CG BOSS Blog Post Updates ...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.