Hindi na talaga mapigilan ang pag sikat ng bandang "OLKISROTOM" dahil kamakailan ay muling inilabas ang kanilang bagong music video na pinamagatang "PAQUIPOT DIAZ."
Ginanap ang launching ng music video sa Milenya Bar, Marikina City na dinaluhan ng mga magagaling din na mga banda katulad ng "Last Days of December" "Dead Nails" "The Republicats" at "Agaw Agimat" na nag performed din bago ang launching ng music video ng "OLKISROTOM"
Nakakatuwang panuorin ang bagong music video ng "OLKISTOROM" dahil punung-puno ito ng saya, lungkot at aksyon.
Unti-unti na talagang gumagawa ng sariling pangalan sa music industry ang "OLKISROTOM" dahil sa mga magaganda at makabuluhan nilang kanta. Isa lang ang"Paguipot Diaz" sa magagandang kantang inilabas ng "OLKISROTOM"
Ipinalabas sa LED ng kahabaaan ng Edsa ang music video ng "OLKISROTOM"
Mapapanuod din sa FB page at YouTube Channel ng NewVibePh ang music video ng "OLKISROTOM" na "Paquipot Diaz" at mapapakinggan sa spotify at iba pang music online app.
No comments:
Post a Comment