| NLEXpress Dec 29 | Gaano man ang pag-iingat natin sa ating mga sasakyan, maari pa rin tayong maka encounter ng problema habang tayo ay nagmamaneho katulad ng ma-flatan ng gulong, mag overheat ang sasakyan o kaya ay mapundi ang ilaw ng ating sasakyan. Sa mga ganitong pangyayari, kinakailangan natin tumabi sa shoulder o emergency parking. Dapat tayo ay palaging ready sa mga ganitong pagkakataon. Marapat lamang na mayroon tayong sapat at tamang tools sa luob ng ating mga sasakyan kagaya na lamang ng Early Warning Device o EWD. Anu ba ang EWD? Ito ay isang pares ng aparato na nagbibigay signal at babala sa mga motoristang paparating. Ito ay hugis tatsulok na karaniwang gawa sa reflectorized plastic. Ang isang set ng EWD ay mayroong dalawang kulay – Isang dilaw at isang pula. Narito ang ilang kadahilanan bakit ba natin kailangan ng EWD? - Safety – Ang EWD ay ginawa at idinesenyo para sa ating safety. Ito ang nagsisilbing warning sa mga sasakyang parating na mayroong nakahintong sasakyan sa unahan. Ito ay dapat naka install at least 4 meters mula sa likuran ng nakahintong sasakyan. Ang paglalagay ng EWD ay maaring makaiwas sa pagkagulat ng paparating na drayber at makakaiwas sa pagkakaroon ng posibleng aksidente.
- Road Courtesy o Respeto sa Kalsada – Ang paginstall ng EWD ay hindi lamang para sa pansariling kapakanan kundi para sa safety din ng mga paparating na motorist. Sa ganitong paraan ang pag-galang at pagrespeto sa ating kapwa ay ating naipapakita gayun na din ang pagpapanatili o pag popromote ng road safety.
- Responsableng pagmamay-ari ng sasakyan/Responsableng Drayber – Tayo ay masasabing responsibleng car owner/drayber kung sinisiguro natin na tayo ay palaging may dala ng mga tools lalo na ang EWD.
- Mandato ng Batas – Tama po. Ang pagdadala ng EWD sa lahat ng sasakyan at mag iinstall ng EWD kung tayo ay nahinto sa kalsada ay nasusulat sa Memorandum Circular No. VPT-2012-1609 o Revised Rules on the Implementation of the Early Warning Device (EWD). Ang paglabag sa nasabing batas ay isang traffic violation na kung saan tayo maaaring mabigyan ng traffic citation o tiket.
Upang makaiwas sa abala, posibleng sakuna at traffic violation, ugaliin po nating magdala ng Early Warning Device o EWD at maging isang Responsableng Drayber. Salamat at Ingat po! -Liezel Uy | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment