Ginagawa lamang umanong tambakan ang Pilipinas ng mga outdated na makina ng mga sasakyan ng ibang bansa kaugnay ng pilit na isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization (PUV) program ng gobyerno.
Ito ang binigyang diin ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na tutol sa planong phaseout ng LTFRB sa mga tradisyunal na jeepney.
Ayon kay Manuel, ang direktang epekto nito ay sa hanay ng mga estudyante, sa mga kabataang nagtatrabaho, at sa iba pang nating mga kababayan para mabawi ng mga korporasyon ang kanilang investment sa pag-modernize ng kanilang mga unit ay tataas ang pamasahe.
"Sa computations, puwedeng umabot sa 34 pesos ang minimum na pamasahe sa mga jeepney at mapapasa ang ganung burden, madadama yon ng mga commuters natin," saad ni Manuel na sinabing hindi sila nasasapatan sa sinabi ng LTFRB na kahit luma ang unit ay puwedeng bumiyahe hanggang 2024 basta nakapag-consolidate ng prangkisa.
Sinabi ni Manuel na ang pag-consolidate ng prangkisa ay magbubunga na ang mga jeepney ay mahahawakan ng malalaking mga korporasyon na kayang mag-invest sa mga modernong unit kung saan sa halip na maging public service ang transportasyon ay makontrol pa ito ng monopoly at dito na sisirit ng tinatayang tatlong doble o triple na pamasahe.
Ang nakakalungkot pa aniya ay mga outdated na ang mga makina ng mga behikulo na iniintrodyus sa PUV Modernization kaya mahinang kalidad at madaling masira ang mga behikulong ito na gawang China.
Sa halip umanong phaseout ay ipatupad na lamang ng pamahalaan ang rehabilitasyon sa mga tradisyunal na jeepney
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment