Ipinagbawal ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga residente na magsagawa ng mga fireworks display sa kanilang mga tahanan.
Inihayag ni Lacuna ang pagbabawal upang mabawasan, kung hindi man maalis, ang bilang ng mga pinsalang may kinalaman sa paputok lalo na ngayong holiday season.
Mahigpit din na ipinagbabawal ni Lacuna ang paggamit, paggawa, pagbebenta o pamamahagi ng mga bagay na maaaring magdulot ng panganib at magdulot ng pinsala.
Samantala, bago ang selebrasyon ng Bagong Taon, nasa tatlo naman na ang naaresto matapos magbenta online ng mga paputok, ayon sa mga awtoridad.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment