Simula ngayong araw ay sisimulan na ang mga installation work sa Roxas Boulevard-EDSA flyover (northbound) sa Pasay City,
Batay sa advisory na inilabas ng DPWH-South Manila District Engineering Office (SMDEO), mula ngayon, Dec 26 ay magtatagal ang mga installation work hanggang sa Disyembre-30.
Kabilang sa mga gagawin dito ng DPWH ay ang paglalagay ng karagdagang dalawang expansion joints sa Roxas Boulevard EDSA Flyover.
Tinitiyak naman ng ahensiya ang on-time na pagtatapos ng naturang proyekto.
Dahil dito, sinabi ng DPWH na maaaring maapektuhan ang daloy ng trapiko sa mga kakalsadahang pa-Norte o Northbound at pinayuhan ang mga motorista na piliin na lamang muna ang mga alternatibong ruta.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment