Walang plano ang pamahalaang lungsod ng Tagaytay na obligahin ang publiko sa paggamit ng face mask lalo na sa mga dumarating na turista kahit tumataas ang kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino na malaya ang sinumang bibisita pati na rin ang kanilang mamamayan kung gagamit o hindi ng face mask.
Katwiran ng alkalde, malakas ang hangin sa Tagaytay at hindi nila iniisip na magkakaroon ng pagtaas ng COVID cases sa lungsod.
"Hindi po namin hinihigpitan iyong facemask kahit po mayroong bagong strain. Wala pa po kami doon no, kasi malakas ang hangin eh. I don't think na sa experience po namin, we are not that strict pagdating sa facemask," ani Mayor Tolentino.
Ang tanging may abiso lamang sa paggamit ng face mask ay sa mga simbahan at seminaryo na marami sa kanilang lungsod.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment