| NLEXpress Dec 30 | Motorcycles ang pinakaconvenient na mode ng transportasyon para sa nakararaming mga Pilipino dahil sa mas mabilis itong nakaka-biyahe kahit sa maliliit o ma-traffic na kalsada. Dahil sa marami ang nagmo-motor dito sa ating bansa, nararapat lamang na alam natin ang mga guidelines o rules sa pagmamaneho nito sa ating mga National Road at pati na rin sa mga expressway. Nasasaad sa LTO Administrative Order No. AHS-2008-13 ang mga sumusunod: - Ang driver at pasahero (kung meron man) ay dapat nakasuot ng
protective helmet (DTI-approved) ayon sa R.A. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009. - Lahat ng motorcycles and scooters na ginagamit sa kung saan mang daan ay nararapat na nakarehistro sa LTO.
- Ang License Plate ay dapat na malinis at madaling makita.
- Dapat na sumunod sa takdang tulin na nakatakda katulad ng sa
mga kotse. - Ang mga pasahero o back rider ay limitado lamang sa isa. Kapag cargo naman, ito ay limitado lamang sa paggamit ng saddlebags o luggage carriers na aprubado ng DTI.
- Siguraduhing ang ating motorsiklo ay equipped ng mga accessories
katulad ng headlight, tail light, signal light, brake light, side mirror at busina. Tiyaking ito ay gumagana sa lahat ng pagkakataon. - Driving Under the Influence o DUI at paggamit ng mobile phones
ay mahigpit ding ipinagbabawal. - Ipinagbabawal ang Lane-splitting o pagda-drive sa pagitan ng dalawang mabagal na mga sasakyan.
- Sapatos lamang ang pinapahintulutan na foot wear. Ang pagsusuot ng tsinelas, sandals, flip flops o nakatapak habang nagmamaneho o nakaangkas sa motor ay ipinagbabawal
- Ang mga bata ay papayagan lamang mag back ride kung
- maayos nitong naaabot ang tapakan o foot peg
- abot o kayang akapin ng bata ang baywang ng rider
- ito ay nakasuot ng helmet
Patungkol naman sa pagpapahintulo't ng motorsiklo sa mga expressway, may mga batas o regulation ang bawat mga bansa patungkol dito. Karamihan sa mga ito ay nagba-base sa tinatawag ng engine displacement. Ang engine displacement ay mahalaga upang malaman kung gaano ang horsepower o kakayanan ng isang motorsiklo. Dito sa ating bansa, ang pinapahintulutan lamang ng batas na makapasok sa loob ng expressway ay ang mga motorsiklo na may 400cc na engine displacement pataas. Ang mga motor na mababa sa 400cc ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng expressway. Bilang pagpapaalala, may mga signages na nagkalagay sa lahat ng mga entry dito sa NLEX at SCTEX na nakasaad na "motorcycles below 400cc are prohibited." Kung sakaling ikaw ay mahuli na pumasok sa loob ng expressway na gamit ang motor na mas mababa sa 400cc, ikaw ay lumabag sa batas trapiko at mabibigyan ng ticket dahil sa pag-disregard ng traffic sign (Disregarding Traffic Sign o DTS). - Warren Celestino | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment