Nagsagawa ng piket sa harap ng ospital ang mga miyembro ng Tondo Medical Center Employees Association-Alliance of Health Workers (TMCEA-AHW).
Kinokondena ng grupo ang matagal na pagkaantala sa pagpapalabas ng mga COVID-19 allowance at iba pang benepisyo.
Sa inilabas na pahayag ni TMCEA-AHW president Bong Bulanadi Jr.,nitong Dis.11, pinuna niya ang deklarasyon ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na ang P62.9 bilyon unpaid Covid-19 Health Emergency Allowance (HEA) ay hindi maibibigay hanggang 2026.
Pinabulaanan din ng grupo ang mga pahayag ni Herbosa na ang pagkaantala ay sanhi ng "kakulangan ng budget" dahil sa mababang turnout ng mga buwis na nakolekta noong 2021 hanggang 2022.
Nagpahayag ng pagkabahala ang grupo sa panukalang 2024 budget dahil hindi kasama ang pagtaas ng sahod ng lahat ng empleyado ng gobyerno.
Sinabi ng AHW na ito ay maaring humantong sa mas maraming empleyado ng gobyerno na nabubuhay sa ilalim ng poverty line at umaasa sa pautang o migration upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan habang ang mga presyo ng bilihn at utility ay patuloy ang mabilis na tumataas.
Inakusahan din ng grupo ang gobyerno ng pag-aalis ng mga serbisyong panlipunan para sa mga tao, na binanggit ang P10 bilyong pagbawas sa badget sa kalusugan para sa 2024 na maglilimita sa public access sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment