Umaabot na sa anim ang mga kaso ng e-cigarette or vaping use-associated lung injury (EVALI) na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa ngayong taon.
Batay sa ulat ng Philippine College of Chest Physicians, ang anim na kaso ng EVALI ay naitala mula Abril hanggang Hulyo 2023.
Anang DOH, ang EVALI ay isang medical condition kung saan ang mga pasyente ay natutukoy na may respiratory illness o lung injury na may kaugnayan sa paggamit ng electronic cigarettes o vaping products.
Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa mga medical experts na kaagad na ireport sa kanila ang mga maitatalang EVALI cases.
"We urge physicians across the nation to promptly submit reports to the DOH," panawagan pa nito.
Anang DOH, makakatulong ang kanilang pagre-report sa collective efforts upang sugpuin ang pagkalat ng sakit.
Upang higit namang palakasin ang monitoring at reporting ng EVALI, nag-isyu ang DOH ng Department Memorandum 2023-0365 na may titulong "Interim Guidelines on the Diagnosis, Treatment, Management, and Reporting of E-cigarette, or Vaping Product Use Associated Lung Injury and Related Injury Cases and Deaths."
Layunin din nitong matukoy ang mga akmang healthcare pathway para sa treatment at management ng mga kaso ng EVALI, probable man ito o kumpirmado na.
Matatandaang noong 2019, iniulat ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) na isang 16-anyos na dalagita ang unang biktima ng EVALI sa Central Visayas at na-confine ng anim na araw sa pagamutan.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment