May libo-libong job opportunities ang naghihintay para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hungary at Austria.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang DMW ay nangangailangan ng 10,000 hanggang 20,000 skilled Filipino workers.
Anang ahensya, nakipag-usap ito sa Hungarian labor officials na nag-aalok ng "world class" benefits kabilang ang tirahan ng kwalipikadong OFWs sa manufacturing, agricultural at hospitality sectors.
Ang Czech Republic at Austria naman na nakakuha ng kasunduan sa Pilipinas ay mangangailangan ng 5,000 hanggang 10,000 skilled workers para sa kanilang sustainable recruitment.
Kapalit sa Filipino healthcare workers, ang mga bansang ito ay mag-iisponsor ng scholarship sa mga estudyanteng Filipino upang masiguro ang sapat na bilang ng skilled workers sa bansa.
"Gusto din nila tumulong to ensure that there will be more Filipino workers, not only for Austria but for the Philippines, so nandyan yung mga scholarship, yung mga training," pahayag ni DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Attorney Patricia Yvonne Caunan.
Samantala, nagpahayag din ng pagnanais na kumuha pa ng mas maraming OFW ang Ambassador ng Italy.
"We might have more and more Filipino and Filipina nurses in Italy, but also in other kinds of sectors even more professional than that. Even engineers," ani Italian ambassador Marco Clemente.
Idinagdag pa ng DMW na kumukuha na rin ang Germany ng non-healthcare workers sa kanilang triple-win agreement sa Pilipinas.
"Ang maganda dito, as you know, yung mga opportunity dito. Hindi lamang sa ating workers, pati na para sa mga pamilya nila," sinabi pa ni Caunan.
Inaabisuhan ng DMW ang mga interesadong aplikante na i-check ang listahan ng available job orders sa kanilang website.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment