| NLEXpress Dec 30 | Marami tayong mapapansing equipments sa bawat paglalakbay natin sa kahabaan ng NLEX- SCTEX tulad ng mga CCTV, emergency call boxes, speed cameras, ODS ( outdoor display system ) at iba pa. Dahil na din patuloy ang mga proyekto ng pamunuan ng NLEX Corporation para sa mga improvements ng ating sistema at mga kagamitan dito sa loob ng expressways. Isa sa mahalagang kagamitan dito sa NLEX ay ang ODS " Outdoor Display System". Pero ano nga ba ang gamit nito? Ito ay ang mga matataas na poste na may LED screen sa ibabaw na minsan ay naglalaman ng mahahalagang mensahe nais ipabatid sa mga dumaraang motorista tulad na lang ng madalas na paalala nito kapag may mabigat na daloy ng trapiko sa Balintawak cloverleaf at sa iba pang mga areas. Dahil sa equipment na ito, nabibigyan tayo ng paalala bago pa man makarating sa ating paroroonan at nagsisilbi itong instrumento ng komunikasyon para sa ating mga motoristang dumadaan sa loob ng NLEX. -Mike Mallari | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment