| NLEXpress Dec 29 | Sa tuwing bumibiyahe tayo paNorte, karaniwan na nating natatanaw ang bundok na ito sa kahabaan ng NLEX na bumabagtas sa ilang bahagi ng Pampanga. Nakakamangha ang elegante nitong tindig habang nagiging mas prominente ang detalye sa ilan pang kilometro ng biyahe. Ang Mt. Arayat, isang extinct na stratovolcano, ay binansagang "Roof of Pampanga" sa taas nitong 3,366 ft. Nag-iisa itong bundok sa lalawigan kaya't maituturing itong yaman ng mga Kapampangan. Naging sentro ng kaingin mahigit 20 taon na ang nakararaan ngunit sa pamamagitan ng reforestation ng pamahalaan at volunteers, nanumbalik ang malago nitong vegetation at ngayon ay isa nang preserved natural park. Bahagi ng mayamang kultura ng Pampanga ang pamosong alamat ng diwatang si Mariang Sinukuan, pinaniniwalaang tagapagbantay ng bundok. Maging ang hidwaan sa pagitan ng diwatang ito at ng Apu Mallari o diwatang tagapagbantay naman ng karatig nitong bundok Pinatubo. Bukod sa mga kwentong nakapaloob sa bundok na ito, curious ka ba kung ano ang makikita sa kagubatan at tuktok nito? Bakit hindi mo subukan ang outdoors? Tara, hike na! Bakit dapat mong akyatin ang Mt. Arayat? - Kung ikaw ay based sa metropolis, ideal ito para sa iyo! No time pero gusto ng nature adventure? Madali at mabilis nang ma-access ang bundok na ito via NLEX. Dalawang oras mula sa Metro Manila, ang Mt Arayat ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Magalang at Arayat, Pampanga. Bukas ang bundok all year-round para sa mga hiker na gustong sumubok ng kakaibang day hike experience.
- Isang espesyal na feature ng Mt. Arayat ay ang enchanted forest look nito na hitik sa iba't ibang flora at fauna. Ang trail paakyat at pababa ay pabagu-bago mula sa malupa, mabato, masukal at mapuno. Kung tag-ulan, maaari mong ma-enjoy ang falls at batis na matatagpuan sa pinakapuso ng bundok. Challenging marating pero worth it!
- May iba't-ibang uri ng trail na maaari mong subukan depende sa adventure na gusto mong maranasan. Ang Mt. Arayat ay mayroong apat na peak: North, South, Pinnacle, at TKO. Northpeak ang ideal para sa mga bago sa outdoor activity na ito, bagay ito sa mga gustong maka-experience ng walk in the woods na vibe. North-South ang para sa average hikers na gustong makaranas ng kaunting rappel portions at TKO-Pinnacle ang para sa mga mas physically active na purely rapelling, at TKO-PinnacleSouth-North naman ang para sa mga experienced mountaineers na naghahanap ng extra challenge sa trekking, river-crossing at lahat ng uri ng trails.
- Magical ang summit ng Mt. Arayat. The best views come from the hard climbs. Kung hilig mo ang coffee at sunrise, sulit ang paghihintay sa malamig na North peak nito. Pagpatak ng liwanag, tanaw ang buong lawak ng Central Luzon, Rio Grande de Pampanga at mga bukirin ng probinsya, maging ang expressway at mga karatig bundok sa Zambales. Sa gabi naman, maaaliw ka sa makislap na mga ilaw mula sa mga probinsyang nakapalibot sa paanan nito.
- Airyn Gimeno | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment