Ibinunyag ni Ava Mendez ang ugali ng aktor na si Jak Roberto kapag nakainom ng alak.
Sa TikTok video ni Madam LQ, nagpaliwanag ang Vivamax actress tungkol sa kumakalat na tsismis sa kanila ni Jak na nakasama niya sa birthday party ng isa nilang common friend.
Sinabi ni Ava na nagiging 'touchy, touchy' pala si Jak kapag nalalasing.
"Nagiging touchy na siya… Nu'ng tumatagal na… doon na siya na parang nagiging aggressive.
Kumakausap na siya ng mga usherette doon na mga babae," kuwento ni Ava.
Dahil lasing na sila pareho ay ikinuha umano sila ng may birthday ng kuwarto sa hotel kung saan ginanap ang selebrasyon.
Sa elevator pa lamang umano ay yumayakap na si Jak kay Ava.
"Papunta kami ng elevator, papunta na kami roon sa room namin, may mga ibang fan din na nakakita na may ginagawa si Jak sa akin. 'Yung parang hug lang ng kaibigan, like behind lang kasi lasing talaga siya," ani Ava.
Nakita daw iyon ng ibang fan at binigyan ng malisya.
"Papunta na kami sa taas, tuloy-tuloy pa rin ang inuman… Doon na siya nagiging touchy, touchy. Sinabi ko sa mga kapatid ko at saka sa driver ko na alalayan na lang si Jak, kasi gusto ko 'pag lasing ako, ayoko ng lalapit-lapit sa akin. Kasi naaalibadbaran ako," sey pa ni Ava.
Hindi raw totoo na nag-stay si Jak sa kanyang kuwarto dahil ang kasama niya sa kuwarto ay kanyang kapatid at driver. Si Jak naman umano aykasama sa kuwarto ang sarili nitong driver.
Inamin din ni Ava na bumalik pa si Jak dahil gusto pa nitong makipag-inuman pero sinabihan ito ng mga kasama niya sa kuwarto na tapos ang inuman. Tulog na umano siya noon. Inawat din umano si Jak ng kasama nitong driver at dinala na sa sariling kuwarto.
Hala, ano naman kaya ang masasabi ni Barbie Forteza?!
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment