Umamin na ang suspek sa pagpatay sa kapatid ng stepmom ni Coleen Garcia.
Sinabi ng suspek na si Art Tondo Villacastin na lasing siya nang pagsasaksakin at patayin ang biktimang si Canice Minica Seming noong December 20.
"Nadala ng lasing ko. Dala ng lasing. Hinahanap ko asawa ko doon, eh wala. Bago pa dumating 'yung biktima, nandoon na po ako sa loob ng bahay kasi bukas po 'yung side po nila sa kabilang daanan," ayon sa suspek.
Sinabihan umano ni Seming ang suspek na umalis habang hinahanap nito ang kanyang karelasyon na si Mary Ann Garnica na nagtatrabaho bilang yaya sa naturang bahay.
Naunang pinangalanan ni Coleeen ang suspek sa kanyang Facebook post. Aniya, dating nagtatrabaho sa kanyang ama ang suspek bilang karpintero pero sinibak dahil sa paggamit ng droga.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment