Nakangiti lang ako the whole time habang pinapanuod ko ang isa sa mga magandang pelikula ng Metro Manila Film Festival 2023 na "When I Met You in Tokyo" na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Christopher de Leon, Cassy Legaspi, Darren Espanto at marami pang iba.
Nag enjoy akong panuorin ang pelikula nina Ate Vi at Kuya Boyet dahil sa galing nilang umarte at kitang kita pa rin ang chemistry nilang dalawa bilang loveteam kahit may mga edad na sila.
Pinatunayan lang sa pelikula na ang pag-ibig ay walang pinipiling edad. Nakakakilig pa rin sina Ate Vi at Kuya Boyet sa kanilang mga eksena lalo dun sa eksena na kinakasal sila suot ang kimono at ang bed scene nila na nakakatuwa.
Ang dami ko talagang realization sa pelikulang ito, isa na rito ay ang sarap pala magmahal lalo na kung walang hinahanap na kapalit. Isa pa, ang tunay na pagmamahal pala ay hindi masusukat sa kung gaano kayo nagsama ng matagal, kundi yung quality ng pagsasama nyo kahit sa maikling panahon lamang.
Most of the scenes ay kuha sa Tokyo, Japan kaya napakaganda ng cinematography ng pelikula. Pinakita sa pelikula ang ganda ng Tokyo, Japan. Gusto ko na tuloy mag travel sa Tokyo dahil sa pelikulang ito
Very promising din ang akting nina Cassy Legaspi at Darren Espanto na bagamat hindi gaanong pinakita ang kanilang love story sa pelikula ay kinakitaan din ng kilig ang dalawa sa kanilang mga eksena.
Deserve naman ni Ate Vi na manalo bilang Best Actress sa pelikulang ito dahil very natural talaga ang akting ng Star For All Season dito. In fairness walang kupas pa rin si Ate Vi at napaiyak nya rin ako sa movie nilang ito.
Sa mga hindi pa nakakanuod ng "When I Met You in Tokyo," huwag nyong kaligtaang panuorin ang pelikulang ito dahil siguradong kikiligin kayo kina Ate Vi at Kuya Boyet. Siguradong matutuwa din at mag eenjoy ang buong pamilya habang pinapanuod ang pelikula. Palabas pa rin ang "When I Met You in Tokyo" in Cinemas nationwide.
No comments:
Post a Comment