CALAMBA CITY - Nagsagawa ng isang community project para sa mga residente ng Brgy. 2 dito sa lungsod ng Calamba, ang mga kapulisang sumasailalim ng pagsasanay sa Public Safety Senior Leadership Course o PSSLC sa Camp Vicente Lim sa lungsod na ito. Ang nasabing proyekto ay isinagawa sa inisyatibo ng Batch 2023 - 2, Class Charlie, sa ilalim ng pangunguna ng kanilang class president na si PEMS Demosthenes Obias, at pakikipag-ugnayan sa pamahalaang barangay na pinamumunuan naman ni Brgy. Chairwoman Joan de Mesa.

Ang nasabing aktibidad o immersion, ay naglalayong mapaglapít at maisa-ayos ang ugnayan sa pagitan ng mamamayan at kapulisan, upang makapag-tulungan na mapanatiling maayos at ligtas ang bawat komunidad. Sa naging aktibidad, inuna na muna ang pagpasinaya sa handog nilang proyekto na pampublikong palikiran, na siyang naging posible dahil sa tulong ng dating unang ginang ng Pilipinas at ina ng kasalukuyang pangulong, His Excellency Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr., na si Madamme Imelda Romualdez Marcos, na siyang naglaan ng pondo upang magkaroon ng katuparan ang nasabing proyekto ng Class Charlie para sa kapakanan ng mga residente ng nasabing barangay.

Ang pampublikong palikuran na itinayo sa Evacuation Center ng nasabing barangay ay makakatulong ng malaki lalo na sa panahon ng kalamidad, kung saan ang nasabing lugar ay nakalaan para sa mga inililikas na mga residente.
Kasama sa nasabing aktibidad, nagsagawa ng pagpapaliwanag at pagtuturo ang mga kapulisan ng Class Charlie, patungkol sa mga mahahalagang batas na nagpo-protekta sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan. Kasama na din ang pagbibigay ng impormasyon kung paano malalabanan at mababawasan ang mga kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.
Malugod naman tinanggap at pinasalamatan ni Chairwoman de Mesa ang Class Charlie sa inihandog na pampublikong palikuran at pati na din ang pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa mga taga-Brgy. 2.
Samantalang, nagbigay ng kanyang mensahe si PLtCol., Atty. Caesar Ian Binucal, ang Asst. Chief ng NHQ ng National Security Support Unit Training Center, para sa mga dumalong residente ng nasabing barangay, upang mahikayat nito ang mga residente na makipagtulungan sa mga kapulisan, at tratuhin ang mga alagad ng batas bilang mga kaibigan at awtoridad na kanilang maasahan at masasandalan. (Ulat nila ARJAY SALGADO at LAARNI BARAIRO)
No comments:
Post a Comment