Ipinagbawal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Martes, Enero 30, ang pag-ere ng Television (TV) program na "Private Convos with Doc
Rica," sa One News Cable Channel, dahil sa pagpapalabas nito ng episode na labag sa alituntunin ng MTRCB Rating.
Sa desisyon ng MTRCB noong Enero 24, sinabi nito: "Ipinagbabawal ng MTRCB ang programang pantelebisyon na 'Private Convos with Doc Rica' ng exportasyon, pagkopya, distribusyon, benta, upa, eksibisyon, at/o pag-ere sa lahat ng platform ng media sa ilalim
ng hurisdiksyon ng MTRCB, epektibo sa oras na naging pinal ang desisyon."
Sa Incident Report na isinabmit ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) kay MTRCB Chairperson noong 24 Agosto 2023, ng "PRIVATE CONVOS WITH DOC RICA," na inere sa One News Cable TV ng CIGNAL TV, idiniin na ang episode ay naglalaman ng
mga usapin ng mga karanasan at mga sekswal na pantasya, kasama na ang paggamit ng hindi angkop na wika.
Nakatanggap din ang Board ng mga reklamo laban sa programa, na karamihan ay mula sa
mga magulang.
Isang Notice to Appear ang inilabas noong ika-28 ng Setyembre 2023, na nag-uutos sa mga Respondent na magtestigo sa MTRCB Hearing and Adjudication Committee.
Nagpadala ang mga Respondent ng kanilang kinatawan at inutusan sila ng MTRCB na magsabmit ng kanilang position papers.
Matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers, napatunayang nilabag
ng programa ang probisyon ng batas, partikular sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD 1986) at Seksyon 2, Kabanata IV, kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng
Implementing Rules and Regulations ng PD.
Mariing niresolba ng MTRCB na ang format ng programa ay naglalaman ng detalyadong tema sa sexual awakening ng mga bisita nito, na humantong sa tahasang pagkukuwento ng maselang karanasan, at gumamit pa ng mga wika na hindi angkop sa telebisyon.
Sinabi ni MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer, Lala Sotto: "Mariin nating kinokondena ang anumang malinaw na paglabag sa batas. Kaakibat ng malayang pag
brodkast ang responsibilidad.
Hinihiling namin sa mga brodkaster at content cr maging maingat at responsable sa kanilang mga proseso ng paglikha, na kumikilala sa
impluwensya ng on-screen content."
Ipinasya ng MTRCB na ang nilalaman ng episode na may mga tahasang termino, kasama ang magaspang na aksyon at mga ekspresyon ng host at ng mga bisita niya, sa konteksto
ng programa, "ay nabibilang sa mga materyales na nakakatukso sa malaswang pananaw ng
karaniwang tao."
Bukod dito, hindi sang-ayon ang Board sa pahayag ng mga respondent na ang programa,
sa kabuuan, ay may "edukasyonal at social value."
Sinabi rin ng Board ang kahalagahan ng pagiging angkop ng medium at timeslot para sa pagpapalabas, anuman ang nilalaman ng mga episode, lalo na ang mga maselang usapan tungkol sa mga karanasang sekswal at ang paggamit ng hindi angkop na wika.
Iginiit din ng Board ang hindi pagsunod ng mga Respondent sa MTRCB Rating na labag sa Seksyon 2, Kabanata IV kaugnay ng Seksyon 8, Kabanata V ng PD 1986.
"Ang mga Respondent ay nagkulang sa kanilang obligasyon sa pag-ere ng nabanggit na Television program sa loob ng Child-Viewing Hours, kahit na idinidiin nila na ang Subject
Episodes ay ginamit lamang bilang fillers sa hapon," sabi ng MTRCB. "Hindi tumalima ang mga Respondent sa mga gabay ng MTRCB Rating ng TV program kahit na alam nito na hindi ito angkop para sa kabataang manonood."
No comments:
Post a Comment