Ang galing pala ni Kathryn Bernardo sa pelikulang A Very Good Girl na trending sa streaming platform.
Parang may ibang bagay nga lang sa role ni Ms. Dolly de Leon.
Pwedeng si Lorna Tolentino actually. Or si Angel Aquino.
Anyway, ibang-iba si Kathryn kesa mga dati niyang character sa mga pelikula kasama si Daniel Padilla.
Wala na ang pagpapa-cute. At bagay sa kanya. Parang nakawala talaga siya sa hawla.
Kilalang may pagka-conservative boyfriend si Daniel kaya siguro hindi nagagawa noon ng actress ang maging modern, palaging prim and proper ang dating.
Ngayon mas sexy ang image ni Kathryn.
Like nag-food trip siya sa Bangkok na hinihigop ang sabaw sa lagayan, walang gamit na spoon. 'Yung mga simpleng ganun na parang pure joy.
Nauna na niyang nabanggit sa interview ng Preview na sa ngayon ay hindi pa niya alam ang mangyayari ngayong 2024. "I don't know. I don't know talaga! I just take it day by day. I don't want to overthink. I don't want to put too much pressure on myself. Hindi ko alam anong mangyayari sa akin for 2024, but 'yung uncertainty, 'yun 'yung exciting, 'di ba?"
At open siya sa new opportunities abroad. "I'm open with opportunities kung mayroong partnership, but then I would like to stay here, kasi, alam mo, iba kapag dito sa Philippines, eh."
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment