Nasa 30 indibidwal ang patay sa malakas na lindol na tumama sa Japan sa araw ng bagong taon, kung saan sinisikap ng rescue teams nitong Martes na maabot ang ilang lugar kung saan gumuho ang mga gusali, wasak ang mga kalsada at walang kuryente ang libo-libong mga tahanan.
Tumama ang lindol na may preliminary magnitude na 7.6 nitong Lunes, dahilan upang lumikas ang mga residente ng coastal areas sa matataas na lugar sa pagtama ng tsunami waves sa west coast ng Japan, dahilan upang anurin ang mga sasakyan at mga tahanan.
Libo-libong sundalo, bumabero, at pulis mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ang ipinakalat sa pinakaapektadong lugar sa Noto peninsula sa Ishikawa prefecture.
Subalit, naantala ang rescue efforts ng wasak na mga kalsada at sinabi ng mga awtoridad na nahihirapan silang suriin ang kabuuang pinsala ng sakuna.
Sinuspinde na rin ang ilang rail services, ferries at flights sa lugar. Sarado rin ang Noto airport dahil sa pinsala sa runway, terminal at access roads nito, kung saan 500 indibidwal ang stranded sa loob ng mga sasakyan sa parking lot, batay sa ulat.
"The search and rescue of those impacted by the quake is a battle against time," wika ni Prime Minister Fumio Kishida sa emergency disaster meeting nitong Martes.
Ani Kishida, nahihirapan ang rescuers na makarating sa northern tip ng Noto peninsula dahil sa mga sirang kalsada, at batay sa isinagawang helicopter surveys, natukoy ang malawak na pinsala sa mga gusali at imprastraktura.
Inihayag ng mga awtoridad sa Ishikawa na nakumpirma na nila ang 30 nasawi mula sa lindol, kung saan kalahati sa bilang na ito ay mula sa Wajima city malapit sa epicenter ng lindol.
Mahigit 140 pagyanig ang natukoy mula nang unang tumama ang lindol nitong Lunes, ayon sa Japan Meteorological Agency.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment