Pinag-iingat ng Supreme Court (SC) ang mga mamamahayag sa pagtaguri sa mga ipriniprisintang source na "testigo" upang hindi magbigay kalituhan sa mga kasong dinidinig sa korte.
Ito ay makaraang idismis ng SC ang petisyon para sa "indirect contempt" na inihain ni dating Maguindanao Gov. Datu Andal Ampatuan Jr. laban kay dating ABS-CBN reporter Jorge Cariño.
Sa desisyon ng korte na may petsang Abril 25, 2023 at ngayon lamang isinapubliko, pinagbigyan ang petition for review on certiorari na inihain ng ABS-CBN at binaligtad ang naunang mga desisyon ng Court of Appeals at ng mababang korte na nagpatibay sa indirect contempt na petisyon ni Ampatuan.
Nag-ugat ang petisyon ni Ampatuan nang kapanayamin ni Cariño ang isang Lakmodin Saliao sa TV Patrol noong 2010 makaraan na mahatulan ng 210 taong pagkakulong ang gobernador.
Sa panayam, tinuran dito na testigo si Saliao na nagsaad na naroroon siya nang planuhin ng pamilya Ampatuan ang 2009 Maguindanao massacre.
Iginiit ni Ampatuan na ang naturang panayam ay layong na makialam sa takbo ng pagdinig ng korte at para lamang sa sariling interes ni Saliao.
"The use of the term 'testigo' in Saliao's presentation to the public removes the distinction between media interviews and witness presentations in open court," ayon sa desisyon ng SC.
Nagbabala rin ang SC kung paano nagagamit ang mga mapang-alipusta na pahayag sa online at sinabihan ang mga korte sa kahalagahan ng social media posts sa pagbibigay ng hustisya.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment