Daily Mail PH

Thursday, January 4, 2024

SINAMPAHAN NG KASONG MURDER ANG 4 NA BARANGAY TANOD SA LAS PIÑAS 

Site logo image Headlines Ngayon posted: " Apat na barangay tanod ang nahaharap sa kasong murder kaugnay sa pagkamatay ng isang lalaking natagpuang lulutang-lutang sa isang creek sa lungsod nitong nakaraang linggo. Hindi pinangalanan ng pulisya ang apat na barangay tanod na kasalukuyang nasa k" http://headlinesngayonblog.wordpress.com

SINAMPAHAN NG KASONG MURDER ANG 4 NA BARANGAY TANOD SA LAS PIÑAS 

Headlines Ngayon

Jan 5

Apat na barangay tanod ang nahaharap sa kasong murder kaugnay sa pagkamatay ng isang lalaking natagpuang lulutang-lutang sa isang creek sa lungsod nitong nakaraang linggo.

Hindi pinangalanan ng pulisya ang apat na barangay tanod na kasalukuyang nasa kustodiya ng Las Piñas City police habang pinaghahanap pa ang iba pang mga kasamahan nito na may kaugnayan sa pagkamatay ng biktimang si Gerico Rocabo, 24.

Sinabi ni Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos, base sa isinagawang awtopsiya sa bangkay ni Rocabo ay asphyxia by strangulation ang ikinamatay ng biktima dahil sa nakitang bakas sa kanyang leeg at maraming pasa sa kanyang katawan matapos maiahon ang bangkay nito na walang suot na pang-itaas at lumulutang sa C5 creek sa Barangay Manuyo Uno sa lungsod noong Disyembre 27.

Ayon kay Santos, base sa nakalap na impormasyon sa pangyayari gayundin sa salaysay ng mga nakasaksi pati na rin sa kanilang nakuhang kopya ng CCTV footage ay nagpapakita na marami silang mga tanod na may hawak sa biktima bago ito mamatay.

Nakita rin sa CCTV footage na isinakay pa sa isang stainless na tricycle na service patrol ng barangay ang biktima para isailalim sana ito sa medical test ngunit yun na ang huling pagkakataon na nakitang buhay ang biktima.

Pinatunayan din ng isang saksi na nakita niya ang dalawang barangay tanod na nagsakay sa biktima sa patrol vehicle ng barangay bago naiulat ang pagkamatay nito kinabukasan.

Kasabay nito ay hinikayat na rin ni Santos ang iba pang nakasaksi sa pangyayari upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Napag-alaman din ng pulisya na ang biktima ay isa palang magnanakaw sa kanilang lugar na na hindi naman itinanggi ng pamilya nito.

Sa panig naman ng pamilya ng biktima, bagama't may pagkakamaling nagawa ang biktima ay hindi dapat pinatay ito bagkus ay idiniretso na lamang sana sa presinto at sinampahan ng kaukulang kaso.

Samantala, pinagkalooban ng pansamantalang kalayaan ng piskalya ang nasabing mga barangay tanod.

Ito ang napag-alaman at kinumpirma ni Santos na nagsabing nakalabas na ng kulungan ang mga suspek matapos ilabas ng piskalya ang kanilang desisyong 'release for further investigation.'

Sinabi ni Santos na nakulangan umano ang city prosecutor sa isinumite nilang ebidensya.

Ayon pa kay Santos, alam nilang malakas ang kanilang isinumiteng ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek na kanilang ikinabigla matapos maglabas ng kautusan ang piskalya ng pansamantalang kalayaan ng mga ito.

Dagdag pa ni Santos, hindi ibig sabihin nito na lusot na ang mga suspek sa kaso dahil itinakda ng piskalya ang pagdinig ng kaso sa darating na Enero 8 kung saan muli silang magsusumite ng karagdagang ebidensya para palakasin pa ang mga kaso laban sa mga suspek.

Bukod sa apat na pinalayang suspects ay tinitingnan pa rin ng pulisya ang partisipasyon ng anim pang kasamahan ng mga ito sa umano'y pagpatay sa biktima.

Samantala, ikinadismaya naman ng pamilya ng biktima ang naging desisyon ng piskalya kasabay ng kanilang pangambasa kanilang seguridad na baka sila balikan ng mga suspek.

Umaasa rin ang pamilya ng biktima na mapagkakalooban sila ng proteksyon dahil sa kanilang kinahaharap na panganib ng buhay.

BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR

Comment
Like
Tip icon image You can also reply to this email to leave a comment.

Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app to use Reader anywhere, anytime

Follow your favorite sites, save posts to read later, and get real-time notifications for likes and comments.

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com on Twitter WordPress.com on Facebook WordPress.com on Instagram WordPress.com on YouTube
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at January 04, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...
  • CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026
    CG BOSS Blog Post Updates ...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.