Nasa 18 katao ang na-trapped nang mag-malfunction ang elevator na kanilang sinakyan sa loob ng Atlanta center sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.
Hindi naman kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga biktima, na pawang nasa maayos na kalagayan sa ngayon matapos na ligtas na masagip ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa ulat ng Field Unit ng BFP-National Capital Region (NCR), nabatid na pasado alas-6:40 ng gabi nang makatanggap sila ng ulat na may mga taong na-trapped sa loob ng elevator ng isang gusali sa Annapolis St., sa Brgy. Greenhills.
Sinasabing nag-malfunctioned ang elevator at tumigil sa pagitan ng ikalawa at ikatlong palapag ng gusali sanhi upang hindi makalabas ang mga sakay nito.
Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP at binuksan ang pintuan ng elevator at saka inasistihan ang mga biktima upang ligtas na makalabas bago pa man sila ma-suffocate sa loob.
Dakong alas-7:45 ng gabi na nang ligtas na mailabas ng elevator ang mga biktima.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment