Inanunsiyo ng Maynilad Water Services Inc., nitong Linggo ang water service interruption sa ilang lugar sa Las Piñas, Parañaque at Quezon City.
Ayon sa west zone concessionaire, para ito sa gagawing mga ''maintenance activity'.
Magsisimula ang water interruption mula Pebrero 5 hanggang Pebrero 12.
"Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled interruption," saad nito.
Apektado sa Las Piñas ang BF International/CAA, Manuyo Dos habang sa Parañaque naman ang BF Homes, Moonwalk, San Dionisio at San Isidro.
Samantala, ang mga apektadong lugar sa Quezon City ay ang Doña Josefa, Sta. Monica, Nagkaisang Nayon at Nova Proper.
Tingnan sa ibaba ang iba pang detalye hinggil sa water service interruption.
ANGHEL MIDRERO - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment