Headlines Ngayon posted: " Isang dating municipal councilor ang dinala sa ospital matapos siyang magtamo ng mga tama ng bala nang pagbabarilin ang kaniyang sasakyan sa highway sa Brgy. Calansayan, San Jose, Batangas. Tinamaan sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ro" | Headlines Ngayon February 29 | Isang dating municipal councilor ang dinala sa ospital matapos siyang magtamo ng mga tama ng bala nang pagbabarilin ang kaniyang sasakyan sa highway sa Brgy. Calansayan, San Jose, Batangas. Tinamaan sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronald 'Bong' Apritado, na agad na dinala sa malapit na ospital. Papunta sana si Apritado sa municipal hall para dumalo sa flag-raising ceremony nang mangyari ang insidente, ayon kay Police Major Amadeo Baby Estrella, hepe ng San Jose Police Station. Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang nasabing insidente. Nagpapagaling pa rin si Apritado sa ospital. MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment