Narekober na ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang official Facebook page umaga ng Biyernes, Pebrero 29.
Ayon kay PCG Spokersperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay makipagtulongan sa PCG sa pagsasagawa ng backend operations na nagresulta sa pagkakadiskubre at pag-alis ng tatlong hackers na may Facebook names na Fatima Hasan, Murat Kansu at Vicky Bates.
Kinumpirma ng CICC na gumakit ang mga hacker ng malware para labagin ang seguridad ng Facebook page noong 26 Pebrero 2024.
Sinabi ni Balilo na magsasagawa ang CICC bukas ng comprehensive hardware check sa lahat ng office laptops at computers ng CGPAS personnel na ginagamit sa pag-access ng kanilang opisyal na social media platforms upang naalis ang natitirang pang bakas ng malware,kung meron, at palakasin ang kanilang overall cybersecurity laban sa potential breaches.
Pinasalamatan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang DICT sa pagsuporta sa CGPAS tungo sa ganap na pagbawi ng opisyal nitong Facebook page at ang hindi natitinag na pangako nito sa pagpapalakas ng online security ng PCG.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment