Napatay ang isang chairman ng lungsod na presidente ng Association of Barangay Councils (ABC) sa Isabela City, Basilan, habang dalawa pang barangay chairmen ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng riding in tandem sa labas ng hotel sa Zamboanga City, Linggo ng gabi, February 25.
Kinilala ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) ang nasawi na si Isabela Chairman Franklyn Galos Tan, at ang mga sugatang barangay chairmen ay sina Jaider Jundam ng Kaumpurnah-, at Daryl Jalani ng Kaumpurnah-2, kapwa rin ng Isabela City.
Ang insidente ay nangyari 9:03 ng gabi sa harap ng Fort del Ciudad Hotel sa Nuñez Extension, Zamboanga City.
Ang mga salarin ay mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklong Suzuki Raider 150.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay nasa Zamboanga para dumalo sa event ng Eagles Club, kungsaan miyembro sila ng grupo.
Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. Mirerebyu narin ang mga CCTV footages sa lugar.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment