Magiging mainit ang mga kaganapan ngayong month of love dahil sa dalawang bagong offering ng Vivamax na may mapusok at mapangahas na kwento. Panoorin ang 'Takas' at 'Salitan' ngayong February, streaming exclusively sa Vivamax.
Ang 'Takas' ay isang sexy-drama Vivamax Original Movie na mapapanood na ngayong February 13, 2024. Pelikula ni cult director Roman Perez Jr., pinagbibidahan ito nina Audrey Avila, Cess Garcia, Mon Mendoza, at Rome Guinto. Kwento ito ng dalawang babae na magpapakalayo-layo para takasan ang isang krimen na hindi nila sinasadyang gawin.
Sina Angel (Audrey Avila) at Lexi (Cess Garcia) ay mag best friends na tumakas at nagtatago ngayon matapos nilang aksidenteng mapatay ang abusadong boyfriend ni Angel na si Eric (Rome Guinto). Kahit na self-defense ang nangyari, maimpluwensiya at maraming koneksyon ang pamilya ng lalaki. Dala ng takot, mapagpapasyahan nina Angel at Lexi na takasan ang nangyari at umaasa na huhupa rin ang sitwasyon at mamumuhay ulit sila ng normal.
Sa pagdating nina Angel at Lexi sa isang bagong lugar, makikilala nila ang gwapo at maginoong si Lemuel (Mon Mendoza), at agad na magkakagusto si Angel sa kanya. Babalaan naman ni Lexi si Angel na wag magtiwala sa kung sino at mag-ingat dahil may iniingitan silang sikreto. Pero hindi matitiis ni Angel ang pagkaakit niya kay Lemuel at magkakaroon sila ng relasyon ng binata. Tuluyan nang mahuhulog ang loob ni Angel kay Lemuel at aabot pa sa punto na paghihinalaan nitong may gusto rin si Lexi kay Lemuel kaya lagi itong humahadlang sa relasyon nila.
Ang hindi alam ni Angel ay kaya laging nakabantay at nag-aalala si Lexi sa kanya ay hindi lang dahil basta mabuting kaibigan o may gusto rin ito kay Lemuel, ang totoong dahilan ay mahal ni Lexi si Angel higit pa sa inaakala niya at natatatakot lang umamin si Lexi dahil baka masira ang kanilang pagkakaibigan.
Paano kung umamin na si Lexi kay Angel? Susuklian ba ito ni Angel o mangyari ang kinakatakot ni Lexi at masira ang relasyon nila? At ano nang mangyayari sa gusot na tinakasan nila? Habambuhay kaya nila itong matatakbuhan o may naghahabol din sa kanila na naghahangad ng hustisya? Samahan sila sa kanilang 'Takas,' streaming exclusively sa Vivamax ngayong February 13, 2024.
Sa February 16, alamin ang isang istorya ng pag-ibig, panlilinlang, at mga alyansa sa 'Salitan,' isang sexy-romantic drama mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio.
Sa 'Salitan,' may hinala si Annie (Vern Kaye), isang housewife, na nagtataksil sa kanya ang asawang si Albert (Nico Locco), isang abogado. Sinundan niya ito sa Bali, kung saan din niya makikilala ang graphic artist at aspiring actor na si Elmer (Matthew Francisco).
Tutulungan ni Elmer si Annie na hulihin si Albert sa kanyang panloloko, pero magiging kumplikado ang kanilang sitwasyon nang sila ay mag-one-night stand.
No comments:
Post a Comment