Bugbog ang inabot ng isang lalaki na nagpepenitensya sa harap ng simbahan sa Barangay Cayapa 2, Angeles City, Pampanga.
Kinilala ang biktima na si Christian Ivan Pintoy, 24-anyos.
Tinukoy naman ang dalawang suspek na mismong mga pinsan ng biktima.
Matapos bugbugin at pukpukin ng kahoy, nahilo at nanghina umano si Pintoy kaya naman isinugod ito sa pinakamalapit na ospital.
"Sobrang putla na po niya. [Nung] papunta na po kami sa ONA, nag seizure po siya. [Sa ngayon], okay na po siya, baka lalabas na po sabi ng doktor, buti na lang daw po doon sa CT scan, walang fracture [o] yung bleeding sa loob," ayon sa panayam ng isang TV News sa kapatid ni Pintoy na si Maia.
Isa sa dalawang suspek ang sumuko sa barangay at pulisya at nahaharap sa kasong frustrated homicide.
Batay sa imbestigasyon, nag-ugat umano sa away pamilya ang pag-atake kay Pintoy.
"Hindi po masyadong malinaw yung dahilan po niya pero parang personal po yung galit," ani Police Master Sergeant Arvie Mateo.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment