Sa March 8, kaabang-abang ang bagong role ni Cess Garcia sa pelikulang "Kapalit", matapos mag-number 1 sa Vivamax ang pelikula niyang "Takas" noong February 16. Ngayon, gaganap siya bilang isang caregiver na mai-in love sa kanyang boss.
Natanggal si Audrey sa pagiging nurse nang mahuli siyang nakikipagtalik sa kanyang boyfriend sa ospital na pinagtatrabahuhan. Inaasahan niyang makakapag-abroad na siya pero naloko naman siya ng recruiting agency. Mabuti na lang at nakahanap siya ng ad para sa private nurse/caregiver, at natanggap naman siya dito.
Sina Matt Francisco at Rica Gonzales ay gumaganap bilang Stan at Demi, ang bagong employer ni Audrey. Doctor si Stan, samantalang may sakit na hindi pa maipaliwanag si Demi. Patuloy itong nanghihina kaya't kailangang nakatutok sa kanya si Audrey. Hindi naging madali ang makuha ang loob ni Demi pero naging magkaibigan din ang dalawa nang lumaon.
Nasabi ni Demi kay Audrey na gusto niyang makahanap si Stan ng mamahalin at ipapalit sa kanya. Sa mga panahong ito, may sexual tension na namamagitan kina Stan at Audrey. At bilang marurupok, bibigay sila dito.
Habang patuloy ang kanilang panloloko kay Demi, may malalaman naman si Audrey tungkol sa sakit ni Demi. Siguradong kapana-panabik ang susunod na pangyayari.
Mula sa direksyon ni Carlo Alvarez (Manyak), ang "Kapalit" ay ipalalabas na sa March 8, 2024. Kasama rin si Chad Alviar bilang si Richard, ang boyfriend na walang ambisyon kundi makasama lang si Audrey.
Para i-stream ang "KAPALIT" at "EKS", punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring ma-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon ding Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.
Vivamax, atin 'to!
No comments:
Post a Comment