Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sina Gelli De Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at ang dating businessman na ngayon ay isa nang public servant at Agri-Partylist Representative na si Manoy Wilbert Lee, sa isang public service na show na "Si Manoy Ang Ninong Ko," na magsisimula nang ipalabas ngayong Linggo March 3, 2024 alas siyete ng umaga.
Tampok sa show na ito ang mga tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa mga manunuod para lalong magsumikap at hindi mawalan ng pag-asa sa buhay.
"Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalagpasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na handang tumulong sa kaibuturan ng kanilang puso," pahayag ni Manoy Wilbert Lee.
Lubha talagang matulungin itong si Manoy Wilbert kahit hindi pa man ito public servant, kaya naisip niya ang programang ito para mas marami ang kanyang matulungan.
Magiging co-host ni Manoy Wilbert si Gelli De Belen sa show kasama ang ilang eksperto para magbigay solusyon sa mga problemang itatampok nila sa kanilang show. Kwento ni Gelli, "Yung tulong na kailangan nila ay hindi lang usual na pera o pagkain dahil mas kailangan nila pang matagalang hanapbuhay at may ipakain sila sa kanilang pamilya araw-araw."
Magpupunta naman sila Sherilyn at Patricia sa iba't-ibang parte ng Pilipinas para hanapin kung sino ang mas nangangailangan ng tulong ng programa. Iinterviewhin nila ang bawat Pilipino na may pangangailangan.
"Minsan nga ay nagiging emosyonal na ako sa kwento nila tungkol sa mga problemang kanilang hinaharap," pagbabahagi ni Patricia
"May pagkakataon na nakaka-relate ako sa istorya nila dahil katiting lang pala ng problema nila ang problemang na-experienced ko before," kwento naman ni Sherilyn.
Paniguradong magbibigay inspirasyon ang public service program na ito sa mga manunuod dahil sa kakaibang mga istoryang kanilang itatampok. Magsisimula nang ipalabas ngayong Linggo sa GMA. Para sa iba pang updates i-follow anf @simanoyangninongko sa Facebook. I follow din sila sa Tiktok at Instagram @AngNinongKo.
No comments:
Post a Comment