Napag-usapan sa panayam kay Sachzna Laparan ang sensitibong paksa ng kanyang childhood trauma noong siya'y limang taong gulang. Ayon sa YouTuber, napatawad na raw niya ang lalaking umabuso sa kanya.
Sa interview ni Toni Gonzaga sa social media personality, natanong ang tungkol sa sakit na kanyang naranasan.
"Grabe yung pain […] pero nagkaroon pa ng mas matinding pain kasi yung lola at lolo mo, may pinatira sa bahay ninyo," sabi ni Toni.
"Actually, ano po namin siya, malayong kamag-anak. Ang lola ko sobrang bait, inampon niya, pinag-aral," kwento ni Sachzna.
"Ilang taon 'yung lalaki?" tanong naman ni Toni.
"Parang 17 siya that time pero ako noong time na no'n, five years old ako. Tapos wala naman akong kaalam-alam sa mga bagay kasi bata pa, kumbaga, kung anong gusto niyang ipagawa, gagawin ko," sey ni Sachzna.
"Maraming beses kasing nagagawa e, andun yung hawak," sabi pa ni Sachzna.
"Inappropriate na paghawak at paghipo sa private parts mo?" tanong naman ni Toni.
"Yes, paghipo sa private parts ko. Yung ari niya ipapaano niya sa bibig ko. Pinaka hindi ko makakalimutan, may time na kasi connecting ['yung] room namin, umakyat siya sa bubong, bubong namin. Tapos may bintana doon, pinapasok niya yung bintana na yun. So ako alam ko na 'pag madaling araw na, pupunta siya sa kwarto ko," kwento ni Sachzna.
"Ako naman, ginawa ko na, pumunta naman ako sa cabinet ko. Tapos may puwang doon nakikita ko [parang] sa movie na nakikita ko siya na hinahanap niya na ako," dagdag pa niya.
"Tapos 'yun nakita niya 'ko, […] dinala niya na 'ko sa kama ta's ginagawa niya na yung mga gusto niyang gawin sa akin. Tapos siya na parang 'pag sinabi mo 'to, papatayin ko yung lola't lolo mo.' E sila lang meron ako nun. Tapos may pinapakita siyang mga kutsilyo, ganyan, so lalo akong natatakot. 'Yung mama mo, 'di mo na makikita,' ganyan. So yun yung mga mahirap alisin sa memory na dinala ko yun nung teenager ako," saad ni Sachzna.
"Ngayon 25 years old ka na. So 20 years ago, if you were to talk to that five-year-old little girl, anong sasabihin mo sa kanya?" tanong uli ni Toni.
"Everything will be okay. Sobrang strong mo. Magiging okay din. Kasi walang nagsasabi sa 'kin nun. Kasi wala naman nakakaalam ng story ko that time. Pero kung ako man yun, ang sarap-sarap yakapin ng five-year-old na Sachzna. Sobrang fragile, sobrang pure, innocent.
"Iba pa rin kapag forgiveness, hindi pa nag-sorry yung tao na yun sa 'kin pero napatawad ko na e. Panalo na ako dun. Napatawad ko na siya kasi feeling ko kapag hindi ko siya napatawad parang hindi ko napapatawad yung sarili ko na kahit hindi ka mag-sorry, papatawarin kita kasi dun ako panalo. Okay na ako dun," sabi naman ni Sachzna.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment