Muling inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Quezon City court ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, na mas kilala bilang Pura Luka Vega dahil sa mga reklamo sa kanilang viral na performance na "Ama Namin," nitong Huwebes
Sa X (dating Twitter), sinabi ng direktor ng "Drag Den Philippines" na si Rod Singh na inaresto si Luka sa nilabas na warrant of arrest ng QC court para sa tatlong bilang ng parehong krimen.
Nag-ugat ang reklamong inihain a kanila ng tatlong simbahang kaanib ng Philippines for Jesus Movement.
Ayon kay Singh, P360K ang inirekomendang piyansa kay Luka para sa pansamantala niyang kalayaan.
Sinabi rin niya na nagpiyansa din si Luka ng P720,000 noong Pebrero 26 sa Pasay City, pagkatapos makita ng tagausig na may merito sa reklamong inihain ng `Kapisanan ng mga Social Media Brodkaster ng Pilipinas.'
Ang piyansa ay para sa anim na bilang ng Paglabag sa Artikulo 201 (mga imoral na doktrina, malalaswang publikasyon at eksibisyon, at mga malaswang palabas) ng Revised Penal Code kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, inaresto si Luka ng Manila Police District matapos magsampa ng mga reklamo laban sa kanila dahil sa viral performance na "Ama Namin" na nai-post sa social media.
Magugunitang mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban kay Luka.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment