Aliw na aliw ang legit Dabarkads viewers at netizens sa kakenkuyan ni Maine Mendoza sa 'Eat Bulaga' noong Huwebes ng tanghali.
Paano ba naman kasi, habang nagpe-perform ang bagong rap duo na Sowhunly ng rap song nilang 'Disney Princess' sa 'EB Centerstage' portion ng ay nagsasayaw rin sina Maine, Atasha Muhlach, Miles Ocampo, Carren Eistrup, at Ryzza Mae Dizon sa gilid ng stage at tuwing ipo-focus kay Menggay ang camera ay bigla itong lumiliyad habang nili-lip sync ang rap song.
At hindi pa roon nagtapos ang pang-aaliw ni Maine sa viewers, matapos mag-perform at mainterbyu ang mga rapper ay bigla na naman siyang lumiyad ng bonggang-bongga nang muling pinatugtog ang rap song.
Naglakad pa si Maine habang nakaliyad, pero bigla siyang tumigil sa gitna ng stage at nag-dialogue ng, "Tama na 'yan, nanonood ang asawa ko!" sabay tawa.
Mukhang sobrang enjoy ang misis ni Representative Arjo Atayde!
Inaabangan tuloy ng fans ang gagawing birthday celebration ni Maine sa noontime show ngayong Sabado. Darating kaya ang kanyang mister na hindi pa nasisilayan sa 'EB' stage?
Happy Birthday, Menggay!
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment