Tahasang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III na maraming kaibigan sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.
Ang mga senador na ito ang maaa¬ring magtanggol umano kay Quiboloy sakaling humarap ito sa imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Si Quiboloy ay pina-subpoena ng komiteng pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros upang sumagot sa mga paratang ng pang-aabuso umano sa mga dating kasapi ng KOJC.
"Mayroon namang mga kaibigan si Pastor Quiboloy sa Senado. Mayroon naman siyang kaibigan diyan na tratuhin siya na patas, na disente sa Senado so huwag siyang masyadong mag-alala na 'yong rights niya ay babalewalin," ani Pimentel.
Aniya, puwede namang magdala ng abogado si Quiboloy upang payuhan ito sa mga isasagot sa pagdinig.
Ilan sa mga nagsabi nang dapat respetuhin ang karapatan ni Quiboloy ay sina Senador Francis Tolentino, Imee Marcos at Robin Padilla.
Maging si Pimentel, inamin nitong naging mabait sa kanya si Quiboloy.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment