Trending ngayon sa X ang isang video na kung saan tinanong ang isa sa mga pumunta sa isinagawang rally bilang suporta kay Pastor Apollo Quiboloy kung ano ba ang ipinaglalaban nito at sinabi niyang binayaran lang umano siya para sumama.
Matatandaan na umabot sa 800 supporters ni Quiboloy ang nagtipon tipon sa Liwasang Bonifacio upang manawagan na itigil ang pandidikdik kay Quiboloy.
Sa videong ibinahagi sa X, tinanong ang lalaki kung ano ba ang ipinaglalaban nito ngunit ang sagot niya ay nagpunta lamang siya para sa pangakong P1000.
"Para sa pera lang," saad ng lalaki.
Inamin din ng lalaki na P50 lang ang kanilang natanggap na kulang pa sa pamasahe papunta sa venue ng rally.
Napa-comment tuloy ang mga netizen ukol sa sinabi ng lalaki.
"For 1k but 50 lang binigay? Uuwi pa ng payatas?"
"Hahaha hanggang huling sandali mandurugas padin tong kulto na to"
"Kawawa"
"Hustisya sa 1k naman oh π₯΄"
"Patuloy na inuuto ang mahihirap! Ang mga mayayaman ang nagpakana, itong mahihirap ang pinagatatawanan."
Kamakailan lang ng ipag-utos ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong sexual abuse at qualified trafficking laban kay Quiboloy.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment