BAY, Laguna - Ipagbabawal na ang umiiral na polisiya sa mga paaralan na No Permit, No Exam. Ito'y matapos na maging ganap na isang batas ang Republic Act 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act na inakdan ni Laguna 2nd Distirict Representativ… | Serbisyo Balita News Online March 21 | BAY, Laguna - Ipagbabawal na ang umiiral na polisiya sa mga paaralan na No Permit, No Exam. Ito'y matapos na maging ganap na isang batas ang Republic Act 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act na inakdan ni Laguna 2nd Distirict Representative, Ruth Mariano Hernandez. Ang nasabing prohibisyon ay sumasaklaw sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan. Layunin ng prohibisyon na mabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na mapayagang makakuha ng mga exams kahit na hindi pa ito bayad sa mga tuition fees nito sa paaralan. Ang pagsulong ni Congreswoman Hernandez sa nasabing panukala upang maging isang batas ay kaakibat ng programa nito sa kanyang nasasakupang destrito na makapagbigay ng sapat na edukasyon para sa bawat kabataan. Ang ilan sa mga kasalukuyang pinatutupad na mga programa ng Kongresista ay ang Financial Educational Support Program, Scholarship and Training Program, at iba pang mga programang tumutulong sa kapakanan ng bawat estudyante. (Ulat ni: LAARNI BARAIRO) | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment