Binatikos sa social media ang katatapos na BOSS Ironman Motorcycle Challenge sa Subic Bay International Airport nitong Pebrero 23-24 dahil umano sa kawalan ng respeto ng mga kalahok nito.
"Sa mga driver ng big bike sana mabasa nyo to. Alam namin mamahalin big bike nyo pero wala kayong respeto sa mga kapwa nyo driver, gaganda nga ng motor nyo asal kariton naman kayo. BAKIT?" bahagi ng Facebook post ni Angelito Escalicas Garingo nitong Pebrero 25.
https://www.facebook.com/HeadlineIlocos/videos/390589126995875
Iniisa-isa ni Garingo ang mga dahilan ng pagkondena nito sa nasabing endurance motorcycle challenge:
1. Ilaw nyo ang lalakas, may dilaw na ilaw at halogen na ilaw standard ba yan? Tapos hindi pa kayo marunong magbaba ng ilaw. Wala bang low-high (beam-bright) yan? Sakit sa mata🥲
2. May standard speed limit ang provincial road at expressway nasusunod nyo ba? 60 sa provincial 100 sa expressway..nasusunod nyo ba? O baka 'di alam🤣
3. Kung mag-overtake kayo, 'kala nyo sarili nyo daan. Nag-seminar ba yarn?
4. May pahawi hawi senyas pa kayo 'pag nasasalubong kayo..nabili nyo na ba ang mga daan? Magkano?🤣"Respeto naman po at disiplina sa daan. 'Di kami inggit sa motor nyo. Hanga nga kami eh, mas hahanga kami sa inyo kung nasa ayos kayo sa inyong pagmamaneho. Nasaan ang discipline🤣🤣🤣baka po hindi nyo nabilin?" pahabol pa ni Garingo.
Umani na ng halos 6,000 shares at mahigit 2,300 comments ang nasabing post ni Garingo.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment