Hindi na talaga mapigilan ang paglago ng Luxe Skin sa pangunguna ng CEO/Owner na si Anna Magkawas. Hindi maikakaila na patuloy na paglaki ng kanyang pamilya na kung saan ay naglalakihang artista ang nagiging endorsers at ambassadors ng kanyang mga produkto.
Kamailan ay ini-launched ang Unkabogable Star na si Vice Ganda bilang bagomg endorser ng bagong produkto ng Luxe Skin, ang Beauty Talks L'ANNA Premium Oral Sunblock + Stem Cell at ang Booster C + C Vitamin C + Collagen.
Malaking tulong daw ang dalawang produktong ito para mas mapanatiling maganda at glowing ang kanyang skin sa tuwing haharap siya sa madlang people.
Sa katatapos na product launching ay kinantahan din ng Happy Birthday si Vice at may binigay pang 3 luxury expensive bag si Anna Magkawas kay Vice bilang regalo nito.
Hindi lang daw endorser ang turing ni Anna kay Vice kundi isang kaibigan. Naikwento pa ni Vice sa media conference na naimbitan niya si Anna sa kanyang bahay na hindi niya naman kadalasang ginagawa sa iba niyang kaibigan sa showbiz. Patunay lang ito na iba ang turing ni Vice kay Anna at itinuturing niya ito bilang close friend at hindi lang acquiantances.
Isa lang si Vice sa bago at dagdag na endorser ng Luxe Skin products dahil kasama na siya lumalaking pamilya ng Luxe Skin, kasama sina Dimples Romana, Tony Labruska, Phau Fajardo, Alexa Ilacad, Zeinab Harake at marami.pang iba.
No comments:
Post a Comment